L ang aking
Maraming bahagi ang sa akin ay nagkandapira-piraso. Yung iba naiwan ko na sa kung saan-saan. Yung iba napulot ng iba at inangkin na nila. Yung iba naman tinignan sandali tapos itinapon ulit kung saan nila napulot. Sigurado, marami roon ang nalibing na sa putik, alikabok, langgam, tuyong dahon, tae ng aso at mga basura. Tangkain ko mang hanapin sila eh huwag na lang siguro.
Yung iba naman nawawala na pala hindi ko pa alam. Pwedeng nakalimutan ko lang talaga o kaya naman talagang sa umpisa pa lang ay hindi ko na alam na nariyan pala. Nadama ko lang ang presensya nila sa pamamagitan ng kawalan nila.
Sa kabilang banda, may mga gabi pa ring nagigising ako sa kalagitnaan ng paglalayag ko sa mundong hindi nababakuran ng oras at espasyo. Narito pa rin ang pangungulila sa mga bahaging hindi ko pa rin kayang pakawalan. Kasalukuyan ko pa ring dinidigma ang sarili kong palayain na sila at magpatuloy na. Batid kong hindi paglimot ang dapat kong gawin kung hindi buong pusong pagyakap sa lahat ng katotohanang dumating, dumarating at darating. Ngunit batid ko ring hindi ito madali. Hindi kailanman ito naging madali.

Hindi pa rin matapos-tapos ang aking pagtatanong:
Kung sino ba ako ngayon ay siyang ako nga ba talaga o pinagsamantalahan lamang ba ako ng pagkakataon at ninakaw ang pangalan ko pati na ang lahat-lahat ng ako?
Ang buhay ay gulong na patuloy sa pag-ikot, makasabay ka man o hindi, tulad na lamang ng patuloy na paghahanap sa sarili. Hindi ko maabot maski ang dulo ng aking daliri dahil habang inaabot at hinahabol ko siya ay patuloy rin siya sa pagtakbo, paghabol at pag-abot naman sa akin.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home