Taga-hele
Manlalakbay/I
Ibababa mo ang satsel
na sa bawat hakbang ay tipak na bato sa balikat
Ang mga paang umuusad sa daa’y
ilalakad rin ng daan na nilalakaran
At ang mga matang humahagod sa kalayua’y
hahagurin din ng mga mata ng kalayuang ito
Mula sa pasimula, inisip mong hubarin ang lahat—
saplot, sapatos, sombrero, salamin—
upang gumaan ang magaan nang katawan
Higit sa lahat
Iiwan mo rin ang iyong puso,
Ay, ang iyong sugatang puso na ayaw maghilom,
at ipapatong sa bloke ng yelo
upang kahit papaano’y hindi huminto/matuyo!
*
Manlalakbay/III
At kung anuman ang madaratnan
Sa pinaginipang patutunguhan
Iyu’t iyon ay matagal nang isinalarawan
ng pinsel na kamay—
Siya, siya pa rin, ang nag-aalab at iniwang puso,
ang mabubungaran.
Ilang beses pa ba akong iiyak sa pusod ng damuhan,
sa ilalim ng kalawakan?
10.16.06: Palipad-hangin
Val 10.16.06 - 12:22 pm
Dahil nakakapagod lang.
baka selfish lang din kasi ako.
o kaya immature.
hindi ko na alam.
Sinukuan Homepage 10.16.06 - 12:31 pm
Wag ka naman agad sumuko. Naguguluhan lang siguro yon sa buhay niya. Pasensiya na ha.
Val 10.16.06 - 12:34 pm
Oo alam ko naman yun. hindi ko naman nakakalimutan.
Sinukuan Homepage 10.16.06 - 12:42 pm
At para bang hindi na natin kailangang muling pag-usapan pa.
Umpisa pa lang, lahat ay malinaw na.
salamat joie. ayan matatahimik na ko kahit konti. sabi mo kasi ihahanap mo ko ng rainbow.
iris_stellar28: bato. bitter.
princesa_dc9: gaga
princesa_dc9: wag ka nga ganyan
princesa_dc9: ders always a rainbow after d storm
princesa_dc9: un ay kung naka 42degrees ang araw from the horizon
iris_stellar28: gaga ka talaga
iris_stellar28: hahaha
iris_stellar28: baliw
iris_stellar28: eh pano kung di naka 42 degress
iris_stellar28: degrees
princesa_dc9: nakow
princesa_dc9: sa bolpen tau maghanap ng rainbow
princesa_dc9: alam mo pag di ka makakita ng rainbow
princesa_dc9: ako gagawa ng paraan para magkaron
iris_stellar28: hahaha
iris_stellar28: salamat
iris_stellar28: gumaan na ng konti ang feeling ko sa sinabi mo
princesa_dc9: talaga
princesa_dc9: galing yan sa kaibuturan ng aking puso
princesa_dc9: alam mo namang kau nlang ni armel at jet ang closest ko ngaun
princesa_dc9: mawawalan pa ng isa dahil sa pagkabaliw
princesa_dc9: no!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!
iris_stellar28: hehehe
iris_stellar28: true
iris_stellar28: kaya ko naman to noh
iris_stellar28: hindi nako mababaliw further dahil baliw na ko
iris_stellar28: ang gusto ko lang malaman kung dapat na ba akong magmove on magisa
iris_stellar28: nasasaktan lang kasi ako
princesa_dc9: sus...
princesa_dc9: hawak kamay
princesa_dc9: di kita iiwan
princesa_dc9: sa paglakbay
princesa_dc9: dito sa mundong walang katiyakan
iris_stellar28: sige ha. aasahan ko yan
iris_stellar28: hay i-hug mo naman ako
princesa_dc9: *hugs*
princesa_dc9: love u deng
princesa_dc9: wag na lungkot
iris_stellar28: hmmm
iris_stellar28: salamat
iris_stellar28: joie dear out na ko
princesa_dc9: ok po
princesa_dc9: love u
princesa_dc9: txt mko
iris_stellar28: hanapan mo ko rainbow ha pramis?
princesa_dc9: promis
iris_stellar28: dahil malapit na ang bagyooooo kamon
iris_stellar28: salamat talaga
iris_stellar28: loveyoutoo
Marami akong pwedeng sabihin pero ayokong sabihin.
ngayon naman magsasalita ako ng wala.
Tignan ko kung may makinig at makaunawa pa.
*
May nagsasabi sa aking malapit na naman akong dumating sa hangganan.
Tatakas ba ako at magtatago o makikipagbakbakan?
Hindi ko pa rin alam.
*
Kung sa bagay, hindi naman ito ang unang sakit na aking naranasan.
Ang tunay na terorista, pumapatay ng aktibista.
Ang tunay na terorista, nagkukulong sa aktibista.
Bumibili ng kongresista.
Bumibili ng boto.
Bumibili ng mamamatay-tao.
ANG TUNAY NA TERORISTA,
PUMAPATAY NG AKTIBISTA.
http://rolandotolentino.blogspot.com
Pagpupugay sa lahat ng kababaihan. Happy Women's Day.
by Inang Laya
kayo ba ang mga maria clara, mga hule at mga sisa
na di marunong na lumaban
kaapiha'y bakit iniluluha
mga babae, kayo ba'y sadyang mahina
kayo ba ang mga cinderella
na ang lalake ang tanging pag-asa
kayo nga ba ang mga nena
na hanapbuhay ang pagpuputa
mga babae, kayo ba'y sadyang pang-kama
ang inyong isip ay buksan
at lipuna'y pag-aralan
pa'no nahubog inyong isipan
at tanggapin kayo'y mga libangan
mga babae, ito nga ba'y kapalaran
bakit mayrong mga GABRIELA, mga THERESA at TANDANG SORA
na di umasa sa luha't awa
sila'y nagsipaghawak ng sandata
nakilaban ang mithiin ay lumaya
bakit mayrong mga LISA, mga LILIOSA, at mga LORENA
na di natakot makibaka
at ngayo'y marami ang kasama
mga babae, ang mithiin ay lumaya
ABANTE, BABAE, PALABAN, MILITANTE!
Panahon na upang sumuway at maging mapangahas.
Kabataan,
Tagapagmana ng bukas.
Tagahulma ng kapalaran.
Pag-asa ng bayan.
Panahon na para sumuway at maging mapangahas.
Sumuway sa kasalukuyang ayos ng karahasan.
Magpumiglas laban sa lupit ng kahirapan.
Sumalungat sa karaniwang agos ng kawalang pakialam.
Ituwid ang tiwali.
Iwaksi ang bulok.
Ipagtanggol ang naaapi.
Kabataan,
Magtanong.
Maghamon.
Magtangka.
Makisangkot.
Kailangang mag-aral hindi lamang sa loob ng paaralan.
Maghanap-buhay upang maunawaan ang halaga ng paggawa.
Maghabol ng mga pangarap.
Makapagsilbi.
Makilala ang sarili.
Maging makabuluhan sa lipunan.
Kabataan,
Kailangang magpatuloy.
Kailangang pumadyak.
Kailangang kumampay.
Kailangang huminga.
Sa oras ng pagkagipit,
Nakakakuha ng lakas ang kabataan para lumangoy.
Nakakagalit ang mga nagaganap:
Katiwalian, kahirapan, kawalang katarungan.
Pero ang galit natin ang ang ating armas.
Tulad ng ating mga bayani,
Nagsilbi sa kapwa at nag-alay ng buhay para sa bansa.
Kung kailangang nasa bingit at pinagmumuntik-muntikanan.
Doon tayo lalong nagiging matalas at mas mapangahas.
Walang ibang tagapagmana ng bukas kundi tayo.
Walang ibang maghuhulma ng bukas kundi tayo.
Kabataan,
Panahon na upang sumuway at maging mapangahas.
Ngayong eleksyon, susuway tayo sa dikta ng kawalang pakialam at kawalang katiyakan.
Hindi tayo magkikimi ni hihingi ng paumanhin.
Ang pagsuway ay isang pagpapasya.
Ang pagsuway ay pagpanig at pagkitil sa pangit na kasalukuyang hindi natin pinili.
Ito'y pakikipagtitigan sa mata.
Ito'y paniningil at pagtitiyak sa ating mga karapatan.
Ito ay pagtangan sa papel natin sa pagbabago at paghamon sa sarili upang kumilos para sa mas makatao at mas makatarungang mundo.
Kabataan,
Magtanong.
Maghamon.
Magtangka.
Makisangkot.
*
May mga patlang.
Maraming patlang
dahil
maraming nagaganap
sa pagitan
sa labas
ng
mga
salita't
pangungusap.
*
Higit pa sa mga salita ang kailangan natin.
Kung kaya nga't, hinding hindi ito ang panahon ng pananahimik.
Takot lang lately sa mga nawawalang bagay.
Sinukuan v.1
If that was enough.
by Edel Garcellano
The wind doesn’t stir.
Leaves hang like bats from branches.
Voices freeze in the air.
Eyes dumbly stare
in the wasteland of his heart.
Nothing moves.
Everything stays where they are
as if time has stopped
& he, a distance of a kiss from her,
sits like a frozen statue of water.
Why is it so difficult to speak?
His tongue withdraws to its root
& the language that escape from his throat
is idiotic, gibberish.
They say it was bound to happen that way:
When your feet get stuck
in a drum of words
& your arms flail in your dreams…
Nothing could be done
when she flies like a bird
into the vanishing blue
& you remain earthbound.
Una't paulit-ulit na gabi.
Dito kung saan pareho tayong maligaya, magkarugtong ngunit malaya pa rin. Malaya nating natatanaw ang pagitan sa ating dalawa. Malaya pa rin tayong nabibighani sa pagkakaiba at pagkakapareho natin.
Dito kung saan hindi kita hawak ngunit sapat na sa aking naaabot pa rin kita ng paningin. Hindi naman masyadong maluwag ang langit para sa dalawang bituwin.
*
Maraming gustong sabihin ang puso ko, kung hindi man ang mga labi ko. Subalit hindi magawang pakilusin nito ko ang mga labi ko maging ang mga daliri ko upang maipahayag man lamang kahit dito sa blangkong papel kahit kaunti sa nais kong sabihin.
Ang alam ko lang, paulit-ulit kong kinakaya ang lamig ng gabi at ang walang-katiyakan nito at ng lahat ng bagay na sumasaklaw sa atin kapag kasama kita.
Ngayong gabi ko nalaman kung bakit nga ba,
Kung bakit nga ba
Hindi ako napapagod; hindi ako sumusuko
Hindi ko man malaman kung bakit nga ba,
Kung bakit nga ba
Kung bakit nga ba mahal kita.
*
Gusto kong malaman mo at ng lahat-lahat ng makakaalam nito na hinding-hindi ko ipagpapalit ang maikling sandaling 'yun na natulog ako at gumising na ikaw ang katabi ko at kayakap. Nagpapasalamat ako dahil sa wakas, nakasama kita maging sa pagitan ng aking paggising at pangangarap.
*
Mahal mo nga ako.
Lullabies and hauntings.
I can see a love restrained
But darlin' when I hold you
Don't you know I feel the same
'Cause nothin' lasts forever
And we both know hearts can change
And it's hard to hold a candle
In the cold November rain
We've been through this such a long long time
Just tryin' to kill the pain
But lovers always come and lovers always go
An no one's really sure who's lettin' go today
Walking away
If we could take the time to lay it on the line
I could rest my head
Just knowin' that you were mine
All mine
So if you want to love me
then darlin' don't refrain
Or I'll just end up walkin'
In the cold November rain
Sometimes I need some time...on my
own Sometimes I need some time...all alone
Everybody needs some time...on their own
Don't you know you need some time...all alone
So never mind the darkness
We still can find a way
'Cause nothin' lasts forever
Even cold November rain
- November Rain, Guns N Roses
Ma naligaw/naliligaw na kuting.
Sumakay ang kuting sa maling kariton bitbit ang wasak niyang puso. Ang kariton pala'y papunta sa isang lugar na ni minsan ay hindi pa niya napupuntahan.
Sumakay ang kuting na may wasak na puso sa maling kariton na nagpasyang iwanan na lang siya sa gitna ng kalsada dahil hindi naman siya pupunta sa pupuntahan nito.
Nakipagpatintero ang kuting sa mga sasakyang may dala-dalang mga pangalan ng lugar na hindi niya alam. Nanghihina siya dahil sa pagod at gutom ngunit higit sa lahat dahil sa wasak niyang puso.
Naghintay ang kuting ng tamang karitong sasakyan.
May dumating na isa, dalawa, tatlo. Ang dami-daming kariton ngunit wala siyang masakyan. Hanggang sa may dumating na isa. Naisip niyang maihahatid siya nito malapit sa kanyang tahanan.
Sumakay siya sa kariton at dinala siya nito sa kung saan-saang singit ng siyudad. Naisip niya ang lahat ng mga negatibong bagay na maaari niyang maisip. Paano kung maaksidente sila, paano kung iligaw siya ng drayber, paano kung masiraan ang kariton at maiwan na lang siya sa gilid ng kalsada, paano kung patayin siya. Ang totoo nga'y handa na siyang tanggapin ang anumang masamang maaaring mangyari sa kanya. Inihanda na siya ng wasak niyang puso. Kaya lamang, nakalulungkot isipin na matatagpuan ang kanyang mga labi (kung matatagpuan man ito) sa isang lugar na hindi siya nabibilang at magaganap ang lahat sa kabila ng mahihimbing na tulog ng mga taong mahal niya.
Subalit sa kanyang mumunting pagpapasalamat, wala namang nangyaring anuman sa kanya maliban sa muntikan na siyang habulin ng apat na adik.
Iyon ang pinakamahaba at pinakanakakapagod na byahe ng buhay niya.
*
May pakiramdam ang kuting na hindi sapat ang binibigyan siya ng gatas at tinik para masabing siya ay tunay na minamahal. Hindi sapat na sinasabihan siyang mahal siya.
Simpleng oras lang naman at mapagmahal na haplos kasi ang hinihiling niya.
Hindi pa maibigay.
*
Maghapong naghintay ang kuting sa iyong pag-uwi. Palagi na lang ganoon ang eksena. Mananabik siya sa iyo at kapag nariyan ka na, hihimasin mo lang saglit ang kanyang ulo tapos ay matutulog ka na sa pagod.
Mabuti pa ang kapitbahay mo maraming panahong makipaglaro at makipagkwentuhan sa kanya. Bukod dun, pinaparamdam din sa kanya nito na siya ay maganda at nakakaaliw - na siya ay mahalaga.
*
Magigi't-magiging pusa pa rin naman siya balang araw kahit pa ang mundong ginagalawan na niya ngayon ay mundo ng mga tao at hindi ng mga pusa.
Ang sarili, higit anuman, ang hinding-hindi maaaaring takasan.
*
Maliit pa siya ngunit matapang na.
Pinatapang ng kanyang pag-iisa.
Komersyal.
Kung bakit ba kasi dumating-dating ka pa kung hindi ka rin naman mananatili.
Pinaka-ayoko sa lahat ay ang eksenang 'yun kung saan nagpapaalam ka ng ganoong kakaswal lang. Palibhasa mas madali ito para sa'yo dahil ikaw ang lilisan at siguradong may pupuntahan. Hindi mo na kailangan pang labanan ang pakiramdam ng nawalan at naiwan.
Public masturbation. Ooops.
Glowed the tiniest spark
It burst into flame
Like me
Like me
In a heart full of dust
Lives a creature called lust
It surprises and scares
Like me
Like me
In a tower of steel
Nature forges a deal
To raise wonderful hell
Like me
Like me
- Isobel, Bjork
*
Kamusta ka na?
Matagal na 'kong walang balita sa'yo ha. Ni hindi ko na nga alam kung ano bang dapat kong itanong sa'yo o kung paano ba kita dapat pakitunguhan.
Napakalaki ng utang na loob ko sa'yo. Talaga ngang kulang pa ang sabihin kong salamat. Kulang pa rin ang sabihin kong isang karangalan ang makilala ka. Lalong kulang rin ang sabihin kong namimiss na kita.
Ni hindi man lamang kita maipakilala sa kanila, sa mundo. Ikaw ang bahagi ko na hindi nila alam. Walang nakakaalam. Walang nakakaalam sa lihim nating relasyon na hindi ko naman talaga ninais na ilihim. Tila wala lang talagang panahon ang mundo na makinig sa akin noong mga panahong gustung-gusto sana kitang ipagyabang. Walang nakakaalam na ikaw lang ang mayroon ako noong walang-wala talaga ako. Ikaw lang at ikaw pa rin ang hindi nagbabago sa akin.
Hindi nga ba o nagbago ka na?
Iniwan mo na nga ba ako o ako ba ang nang-iwan sa'yo?
Hindi ko naman talaga sinadya ang limutin ka. Ngayon lang talaga dumating ang panahong ito. Nakaisang ikot na 'ko at ngayon nga ay nagbabalik na sa'yo. Ang alinlangan ko lang talaga ay kung nariyan ka pa ba o baka umalis ka na. Baka sinundan mo 'ko at baka naligaw ka. O baka talagang lumayo ka na at ayaw mo nang magpakita pa.
Hindi naman kita mapipilit na magpakita sa akin o kausapin ako kung ayaw mo. Gusto ko lang talagang ipaabot sa'yo na ikaw ang pinakamalaking (naging/magiging) kawalan ko.
*
Natisod ako ng mga liham natin sa bawat isa.
Sila na lamang ang natitirang alaala nang ating palagiang pagtatalik noon.
Napaluhod naman ako't napaluha ng makita ko kung gaano kagaganda ang ating mga (naging) supling. Mahigit - kumulang pitumpu't tatlo pala sila.
Naisip kong balang araw kapag handa na ako at ang mundong makinig, ipakikilala ko rin sila. Sa ganoong paraan, alam kong maipakikilala rin kita kahit wala ka na.
Baka nga dahil doon, bumalik ka pa.
Mga bagay-bagay na associated sa dati kong mahabang kulot na buhok:
1. Hayskul nostalgia
2. Suicidal tendencies
3. Obsession sa nalost ng childhood sweetheart
4. Huling relasyon na palpak
5. Fetish sa pagiging isang Peti-B (hindi ko rin alam kung ano'ng ibig sabihin nito)
6. Pa-virgin epek (ah ewan)
7. Pagiging introvert na hindi pa matanggap
8. Homesickness
9. Pagiging consistent na 'muntikan' lang na university scholar.
10. Pagiging 'mabait' ngunit brat na unica hija
11. Pagiging possessive
12. Ka-O.C.-han sa acads
13. Insecuritiessssss
14. Mga takot at kapraningan
15. Sariling mundo (meron pa rin naman. di na nga lang ganun kasarado at kalayo)
Symbolic violence.
Dati rati, dalawa lang ang nanay ko - si Mama at si Nanay. Ngayon nga tatlo na sila. Kaso hindi ko alam kung ano ang itatawag ko sa pangatlo kong nanay. Basta ang alam ko lang nagmamano ako sa kanya at nagpo-po at opo.
Ang alam ko lang din, pinagluluto niya ko ng almusal tuwing alas singko y media. Nilalabhan niya rin ang mga damit ko at hindi siya natutulog kapag wala pa 'ko. Gabi-gabi siyang puyat dahil gabi-gabi eh gabing-gabi na 'ko kung umuwi. Pero palagi pa rin niya akong sinasalubong ng ngiti at ako naman, sorry ang isinusukli ko sa kanya.
Kinakamusta niya rin ako palagi, kung pagod daw ba ako, kung okey lang daw ba ako. Kumain daw ako ng marami para tumaba naman ako.
Inaalagaan din niya si DJ, ang bunso kong kapatid. Nakikipaglaro siya dun, sinasamahan niyang manood ng TV. Kinakarga niya kahit mabigat yun at kahit medyo may kahinaan na rin ang katawan niya.
Kahit hindi talaga kami magkakilala, pakiramdam ko mahal niya ko, mahal niya kami. Siguro nga mahal niya kami.
Nadagdagan na naman ang nanay ko
at ilang buwan na lang mula ngayon ay aalis naman ang isa sa mga nanay ko. Paano'y pupunta na si Mama sa Switzerland kung saan naroon si Papa para magcare-giver.
Magiging nanay naman siya ng ibang tao.
Lately (isang napakaboring na entry)
Mapupulang alaala.
Kung hanggang saan,
Kung hanggang kailan,
Magbago man,
Mabura man
Ang mga pangalan
Hindi ko alam, Oh
Basta't hindi ko alam
Hindi ko alam
Kung hanggang saan
Kung hanggang kailan,
(Kahit hanggang saan,
Kahit hanggang kailan)
Ako dadalhin nitong aking
Walang kapaguran.
(Mula sa isa kong tula: Hanggang Saan, Hanggang Kailan isinulat isang araw sa buwan ng Oktubre 2006)
*
Hay nako, iyan din ang ikamamatay niya.
At least mamamatay siya sa sarili niyang mga kamay.
At least mamamatay siya sa kadahilanang nabuhay siya sa paraang gusto niya.
At least mamamatay siya para mabuhay.
At least mamamatay siyang ginagawa ang isang bagay na pinakamamahal niya.
Mamamatay siyang masaya.
*
*
*
Ito ang isa sa mga panahong wala akong ibang hinihiling. Ito ang isa sa mga panahong hinihintay ko lang ang sabihin sa akin kung ano na ba ang halaga ko at kung nasaan na ba ako.
*
Gusto kong pakulayan ng pula ang buhok ko.
Happy Birthday to me.
Ang matabang ngayon ay maaaring maging matamis bukas; ang matamis ngayon ay maaaring maging matabang naman. Ngunit ang mga pagbabagong ito ang isa sa mga dahilan kung bakit tayo nabubuhay. Narito tayo upang makita ang kagandahan at kabutihan sa bawat bagay, pagkakaiba, pagkakapareho, pagbabago, pagkawasak, pagkabuhay. Sa mga pagkakahati-hati at pagkakahiwalay tayo ay nabubuo; sa mga tunggalian tayo ay lumalago.
*
Tama na.
Ititigil ko na 'to. Overdue na masyado.
Tama na ang insecurities. Tama na ang pagka-lost. Tama na ang pagdadalawang - isip sa halos lahat ng bagay. Tama na ang paglayo upang umiwas sa sakit. Tama na ang katamaran. Tama na ang pagpapanggap na okey lang sa ako sa tuwing hindi naman talaga. Tama na ang pagpapaalipin sa pride. Tama na ang pagra-rant at pagiging ungrateful.
May natitira pa 'kong panahon.
Maraming nakataya.
Dalawang bagay lang naman kasi 'yan: wala akong sasabihin o marami talaga akong sasabihin.
Kung susuriin kasi ang takbo ng buhay ko (at malamang ng kahit na sino) ay tama naman. Tama naman talaga siya. Minsan kailangan talaga ng konting tulak para maihakbang mo ang paa mo - kahit isang paa man lang muna. Dahil kung hindi siguro, marahil mananatili ka na lang na nakatindig at nag-iisip, natatakot, tinatamad, nagbabrat o naghihintay. At hindi lang basta humahakbang ka, naglalakad o tumatakbo, tumatambling kung hindi ginagawa mo ang mga bagay na ito ng may bagong perspektibo at mulat sa mga bagong kaalaman at katotohanang natutunan mo. Kaya nga malaki talaga ang dapat kong ipagpasalamat sa lahat ng mga "tumutulak" at mga "pagtutulak" (pagtutulak ng? Haha) na naganap at nagaganap sa buhay ko.
Salamat sa pagtulong sa aking paglago bilang tao.
*
Napapangiti ako sa tuwing naiisip ko ang isa na namang (malaking) pagbabagong kasalukuyan pa ring nagaganap sa akin: unti-unti nang nawawala ang takot ko sa mga bagay na dati kong lubhang kinatatakutan. Alam kong ang isang malaking salik sa pagbabagong ito ay ang mga bago kong natuklasan sa sarili ko. Ngayo'y alam ko na kung paano ko haharapin ang mga pinakamalulupit kong kaaway - ang mga kaaway sa loob ko, ang mga kaaway na ako mismo ang may likha (hmmm...ayan ha, binabaka ko na ang pagiging self-indulgent ko - emotionally! hehe)
*
Yes, parallel lines intersect from a distance even if merely as an illusion.
At least they never leave each other.
Maybe that would be enough, even more than enough.
Thank you for not giving up whenever I do.
You know that what I really want is to stay with you.
And the pink becomes yoyo.
Mahirap pala talagang magbago, lalo pa kung mulat na mulat mong ginagawa (pinipilit) ang pagbabagong ito. Lalo mong pinipilit, lalo mo lang hindi magawa.
Mahirap pala talagang magbago, lalo pa kung lubos mong nauunawaang ang pagbabagong ito ay may kalakip na pagkamatay din. Kailangan munang mapagtagumpayan mo at malagpasan ang ilang maliliit na kamatayan bago mo malagpasan ang pinakamalaking kamatayang magbibigay daan para sa isang malaking pagbabagong nais mo.
Mahirap pala talagang magbago, lalo pa kung alam mong ginagawa mo ang pagbabagong ito hindi lamang para sa'yo kung hindi higit sa lahat ay para sa ibang tao. Takot kang magkamali, (Paano kung hindi mo magawa?) kaya lalong hindi mo magawang magbago.
Mahirap pala talagang magbago lalo kung - kahit pa - alam mong ito ang magiging simula at katapusan, pag-alis at pananatili ng iilang mga bagay na lubos mong pinahahalagahan.
*
Dapat ba 'kong maiyak kung hindi na ipinapakita sa akin ng mahiwagang salamin ang sarili ko sa tuwing tumitingin ako rito?
*
Dumating na ang unang unos ng habambuhay na kinatatakutan(?) ko. Hinding-hindi ko makakalimutan na ang una kong isinagot dito ay mga anim na segundo kong katahimikan. Oo, medyo sinadya ko iyon para supalpalin ka, para magprotesta, para magbrat, pero sa kabila nito ang totoo, wala rin naman kasi talaga akong masabi. Natuldukan mo na ang lahat, ano pang maidaragdag ko?
Ito na ang simula ng habambuhay kong pagbuntung-hininga. Oo, alam ko dahil wala namang magagawa ang pagbabrat. Natuldukan mo na ang lahat, ano pang maidaragdag ko?
Ito na ang simula ng habambuhay kong pagtanaw sa'yo sa malayo nang hawak ang iyong kamay habang kumakanta pa rin ng With or Without You ng U2. Natuldukan mo na ang lahat, ano pang maidaragdag ko?
Ngingitian na lang siguro kita.
Paano'y natuldukan mo na ang lahat, ano pang maidaragdag ko?
Tanghaling tapat.
*
See the stone set in your eyes
See the thorn twist in your side
I wait for you
Sleight of hand and twist of fate
On a bed of nails she makes me wait
And I wait without you
With or without you
With or without you
- With or Without You, U2
Libog lang.
Dapat pa rin ba akong kutyain kahit na sabihin ko pang ginusto ko naman talaga ang pagpuputang ito? Pera lang ba talaga ang pwedeng ibayad sa mga putang tulad ko at matatawag ka nga lang ba talagang puta kapag binayaran ka ng pera (watif bigas? load? isang orgasmic na usapan tungkol sa mga eksistensyal na usapin? Apir.)?
At dahil minsan lang sumapit ang bagong taon, eto ang sariling version ko ng listahan ng mga sariling kalanadian.
Ilang mga bagay na natuklasan ko at napatunayan sa sarili ko ngayong taong 'to:
Matapang naman pala talaga 'ko.
Maangas pala talaga 'ko.
Malibog pala talaga 'ko (In all aspects din. Whatever that in-all-aspects means.)
Brat pala 'ko. (at brat pala ang tawag sa ganun?)
Sadista pa rin ako.
Tanga pa rin ako. Tanga pala talaga 'ko (At hopeless level na).
Puta pa rin ako.
Padalus-dalos pala 'ko (Kaya palaging nadadapa eh).
Ampanget ko palang malasing. Sumisigaw.
Lamig (As in da weather) pala ang isang bagay na pinaka-hindi ko kayang kalabanin.
Possessive at obsessive pala 'ko (Neurotic, in short).
Malupet pala akong sumugal. Lahat-lahat. Hanggang sa huli.
Galit pala 'ko (In general).
Pwede naman pala 'kong hindi maging ma-pride.
Hindi pala ako maarte. Hindi ko lang talaga kayang (at kung minsan, ayoko lang talagang) i-stretch ang mga limitasyon ko paminsan-minsan.
Takot pala ako sa seryosong pakikipaglandian.
Mahilig din pala ako sa ice-cream at hindi lang sa crushed ice, ice cubes (and the like).
'Kailangan' ko palang yumaman. 'Kailangan.'
Undeserving pala 'ko sa maraming bagay at tao.
Kaya ko palang magsuot ng pulang damit.
Gusto ko palang magkaanak ng alitaptap.
Ayoko pala ng course ko. (Patay na.)
Suicidal pa rin ako pero takot pala talaga akong mamatay. (At matakot ka kung hindi na. Ibig sabihin may mali at hindi na ako yun.)
Gusto ko pala ang feeling ng naha-high. (Afraid.)
Takot pala 'ko. Takot na takot.
Hindi ko pa rin pala natatanggap na sa mundong akong ito nakatira. (Kailan ba kasi babalik ang spaceship namin?)
Magaling pala 'ko 'pag dating sa balahuraan.
Geek pala talaga 'ko (According sa depinisyon ko ng pagiging geek).
Hindi ko pala talaga mahal ang sarili ko (At hindi ito isang sarcasm)
*
Hanggang sa mga labi ng bangin.
Malapit na naman ako sa mga labi ng bangin pero hindi pa rin ako nakapagpapasya. Alam ko na kung gusto ko na talagang lumipad at kung ayaw kong mahulog ay marapat lamang na ako ay magpasya na sa kung anu-ano lang ba at sa kung sinu-sino lang ba talaga ang mga dapat kong dalhin at isama.
Pero naninigas lang ako. Dito. Ngayon.
At sa isang iglap ay biglang nagbalik ang takot ko sa mga matataas na lugar
pangarap.
*
(sa bawat isa sa inyong hawak ko ngunit hindi ko masaklaw)
Hindi ako nagbabanggit ng pangalan dahil ang espiritu ay hindi naikakahon. Ikaw ay hindi ang hininga mo; hindi ang mga linya na bumubuo sa katawan mo.
Hindi ako nagbabanggit ng pangalan dahil hindi maaaring angkinin ng mga labi ko, ng dila ko ang kahiwagaan, kabuuan at kalaliman, kalawakan. Ikaw ay nariyan, karugtong ko ngunit ikaw ay hindi akin. Hindi kita maaaring ikahon at yakapin sa pamamagitan lamang ng mga titik at himig ng boses ko; ng boses na hindi naman din akin.
Ikaw ay walang pangalan at hindi kita maaari kailanmang tawagin sa kahit na anumang paraan. Ikaw ang wala at nakahihigit; ikaw ang lahat maging ang pinakamaliit. Ikaw ang dahilan at ikaw din ang kaganapan.
- maging ang pinagmumulan ng katwiran.
*
Ngunit kaya ko ba talaga siyang sagarin?
*
Sasama ako sa'yo,
Hanggang sa mga labi ng bangin.
Nakatingkayad.
Nakatingala.
At hawak-kamay tayong lilipad
Papalayo, papalapit
Kung saan atin lang ang langit.
(Balang araw kapag ganap na ang katapangan ko)
Patlang na kabuntung-hininganahan,
Mga liham na eroplano sa langit.
Mga puwang at tanong
Mga
nakabiting pangu-
ngusap,
halik
hikbi
hikab.
Ngayong pasko,
ito naman ang naging pagkain ko.
(Sagot sa tula ng isang kaibigan)
Magpatintero tayo.
Mapulang maitim. Matapang. Hubad. Malapot. Tapat. Maganda. Nanunuot sa puson, sa pwerta, sa baga, sa sikmura, sa mga mata, sa alaala.
Sa isang iglap ay bubulwak ang dugo; dugong hindi nagsisilbing huling buntung-hiniga ng buhay kung hindi dugo na siyang unang kurap sa pagsibol ng isang bagong buhay.
Nagbabasbas. Humihirang sa kinukutyang katauhan. Oh- muli't muli kong sasabihin:
Ako'y iyong-iyo.
Tumitibok ang daigdig.
Dalawang tulog na lang at pasko na. Siyam na tulog na lang at bagong taon na.
Kahit mahigit sa 70% ng populasyon sa Pilipinas ay mas mahirap pa sa mahirap, naglilibag pa rin ang mga kalsada sa mga yapak ng paang paroo't parito sa loob at labas ng mga mall, ukay-ukay, tiangge, bangketa (may pagkakaiba ba), ng mga usok ng tambutsong humaharurot na animo'y takot maiwanan ng pasko at bagong taon pati na ng mga abo ng paputok na pansamantalang lumalandi sa kalangitang pagal.
Bawat isa sa atin ay abalang-abala sa paghahanda sa isang araw o dalawang araw. Sa isang araw o dalawang araw na akala mo'y tutumbas sa kabuuan ng taon at ng habambuhay mismo.
Ang gagara ng ating mga damit. Ang sasarap ng ating mga pagkain. Ang lulutong ng ating mga halakhak.
Habang sa gilid lamang ng ating mga mata ay kaliwa't kanan ang brutal na namamatay ng walang kalaban-laban.
Ang maawa ay isang kasalanan dahil galit ang dapat nating maramdaman. Sapagkat hindi puso at kamay na manlilimos sa kanila ang kanilang kailangan kung hindi puso at kamay na para sa kanila ay makikipaglaban.
Tumitibok ang daigdig.
Naririnig mo ba?
Ferris Wheel.
Hindi rin ako magpapaliwanag.
Ngunit sana'y maging sapat na ang sabihin ko lang na mahal kita. Mahal na mahal kita.
Mahal ko kayo. Mahal na mahal ko kayo.
Matatapos na ang taon ngunit simula pa lang ng isang mahabang panahong lalakbayin natin at ng pag-ibig ko sa'yo/sa inyo.
Mariin na ba?
Hindi ka naman kasi marunong mag-alaga ng buhay na halaman. Palagi ka na lang walang panahon. Nag-alaga ka pa kung ganoon lang din naman pala. Kita mo nga parang dinapuan ng tagtuyot ang bahaging ito ng mundo.
Kung sa bagay, palamuti lang naman yata ang habol mo.
Mga multo sa Disyembre
Pabalik-balik,
umaasang ikaw ay darating.
Mula sa isa kong akdang isinulat sa buwan ng Agosto.
*
Hindi ko alam kung ano ba ang mas mabilis sa dalawa; ang sadyang pagtakbo ng panahon o ang pagbabago ng damdamin?
Mula sa isa kong akdang isinulat sa buwan ng Agosto.
*
Sana matutunan ko na lang na ibalik ang dati kong sarili... kung hindi man ang takbo ng buhay ko noong wala ka pa. Sana kahit yun lang magawa ko, kahit hindi na kita mapaalis o kahit hindi na 'ko lumayo.
Mula sa isa kong akdang isinulat sa buwan ng Agosto.
*
Mga puwang. Mga patlang. Siguro doon na lang talaga kita makakausap hindi dahil sa hindi sapat ang mga salita kung hindi dahil doon lang talaga tayo nagtatagpo.
Mula sa isa kong akda sa buwan ng Oktubre.
*
Mas mahirap sumuko kaysa ang kumapit lalo pa't alam mo kung gaano kalaki at kahalaga sa iyo ang isinusuko mo.
Mula sa isa kong akda sa buwan ng Oktubre.
Hipan mo na ang kandila, may kuryente na.
Paano'y ito na ang ika-pitong taon.
Hindi na tayo nagkikita.
Matagal mo nang alam na hindi kita gusto.
Pero mahal mo pa rin ako.
Reunion.
Ako: Oo, pero 'pag magkakasama lang tayo. (hahaha)
Ako: Kaya nga dapat lang na maghiwa-hiwalay tayo eh.
*
Tanong mo:
Ano ang mas masakit sa dalawa; ang umiyak ng hindi mo alam ang totoong dahilan o ang umiyak dahil alam na alam mo ang dahilan at alam mong wala ka ng magagawa?
Sagot ko:
Ang alam na alam mo ang dahilan at ang di mo makayanang pagtanggap sa katotohanang wala ka ng magagawa.
Pero iyon din sa tingin ko ang mas mabuti dahil matapos mong matanggap ang katotohanan ay mas madali mong magagawa ang susunod mong pag-usad.
*
Tanong ko:
Ano ang mas mabuti; ang unti-unting paghandaan ang wakas (na may kasamang pagkapraning) o ang maniwala sa buong panahon na hindi magwawakas at mabigla na lamang isang araw sa hindi inaasahang pag dating nito?
Sagot mo:?
L ang aking
Yung iba naman nawawala na pala hindi ko pa alam. Pwedeng nakalimutan ko lang talaga o kaya naman talagang sa umpisa pa lang ay hindi ko na alam na nariyan pala. Nadama ko lang ang presensya nila sa pamamagitan ng kawalan nila.
Sa kabilang banda, may mga gabi pa ring nagigising ako sa kalagitnaan ng paglalayag ko sa mundong hindi nababakuran ng oras at espasyo. Narito pa rin ang pangungulila sa mga bahaging hindi ko pa rin kayang pakawalan. Kasalukuyan ko pa ring dinidigma ang sarili kong palayain na sila at magpatuloy na. Batid kong hindi paglimot ang dapat kong gawin kung hindi buong pusong pagyakap sa lahat ng katotohanang dumating, dumarating at darating. Ngunit batid ko ring hindi ito madali. Hindi kailanman ito naging madali.
Hindi pa rin matapos-tapos ang aking pagtatanong:
Kung sino ba ako ngayon ay siyang ako nga ba talaga o pinagsamantalahan lamang ba ako ng pagkakataon at ninakaw ang pangalan ko pati na ang lahat-lahat ng ako?
Ang buhay ay gulong na patuloy sa pag-ikot, makasabay ka man o hindi, tulad na lamang ng patuloy na paghahanap sa sarili. Hindi ko maabot maski ang dulo ng aking daliri dahil habang inaabot at hinahabol ko siya ay patuloy rin siya sa pagtakbo, paghabol at pag-abot naman sa akin.
Pagniniig.
May mga gabing hindi ako makatulog. Hindi sa pag-aalala; hindi sa takot kung hindi sa paghihintay. Dumating, lumisan na ang araw at nananatili pa rin akong naghihintay. Naghihintay sa kinabukasan; naghihintay sa kasalukuyan.
May mga madaling araw na tila kapos.
May mga takipsilim na tila mailap.
Kung minsan pati ang larawan ng iyong mukha sa aking isip ay malabnaw. Paano'y palagi na lang kitang hinahanap, hinihintay kahit sa aking panaginip. Ngunit ni minsan ay hindi tayo nagtagpo.
Hindi man lang kita nasilip.