Taga-hele
(mula sa Una Furtiva Lagrima ni Edel Garcellano)
Manlalakbay/I
Ibababa mo ang satsel
na sa bawat hakbang ay tipak na bato sa balikat
Ang mga paang umuusad sa daa’y
ilalakad rin ng daan na nilalakaran
At ang mga matang humahagod sa kalayua’y
hahagurin din ng mga mata ng kalayuang ito
Mula sa pasimula, inisip mong hubarin ang lahat—
saplot, sapatos, sombrero, salamin—
upang gumaan ang magaan nang katawan
Higit sa lahat
Iiwan mo rin ang iyong puso,
Ay, ang iyong sugatang puso na ayaw maghilom,
at ipapatong sa bloke ng yelo
upang kahit papaano’y hindi huminto/matuyo!
*
Manlalakbay/III
At kung anuman ang madaratnan
Sa pinaginipang patutunguhan
Iyu’t iyon ay matagal nang isinalarawan
ng pinsel na kamay—
Siya, siya pa rin, ang nag-aalab at iniwang puso,
ang mabubungaran.
Ilang beses pa ba akong iiyak sa pusod ng damuhan,
sa ilalim ng kalawakan?

0 Comments:
Post a Comment
<< Home