And the pink becomes yoyo.
Mahirap pala talagang magbago, lalo pa kung nangangako kang magbabago dahil hindi ka naman dapat magbago upang tuparin ang isang pangako kung hindi dahil lubos mong nauunawaan ang kabutihang ihahatid sa'yo (at sa universe, hopefully) ng pagbabagong ito.
Mahirap pala talagang magbago, lalo pa kung mulat na mulat mong ginagawa (pinipilit) ang pagbabagong ito. Lalo mong pinipilit, lalo mo lang hindi magawa.
Mahirap pala talagang magbago, lalo pa kung lubos mong nauunawaang ang pagbabagong ito ay may kalakip na pagkamatay din. Kailangan munang mapagtagumpayan mo at malagpasan ang ilang maliliit na kamatayan bago mo malagpasan ang pinakamalaking kamatayang magbibigay daan para sa isang malaking pagbabagong nais mo.
Mahirap pala talagang magbago, lalo pa kung alam mong ginagawa mo ang pagbabagong ito hindi lamang para sa'yo kung hindi higit sa lahat ay para sa ibang tao. Takot kang magkamali, (Paano kung hindi mo magawa?) kaya lalong hindi mo magawang magbago.
Mahirap pala talagang magbago lalo kung - kahit pa - alam mong ito ang magiging simula at katapusan, pag-alis at pananatili ng iilang mga bagay na lubos mong pinahahalagahan.
*

Dapat ba 'kong maiyak kung hindi na ipinapakita sa akin ng mahiwagang salamin ang sarili ko sa tuwing tumitingin ako rito?
*
Dumating na ang unang unos ng habambuhay na kinatatakutan(?) ko. Hinding-hindi ko makakalimutan na ang una kong isinagot dito ay mga anim na segundo kong katahimikan. Oo, medyo sinadya ko iyon para supalpalin ka, para magprotesta, para magbrat, pero sa kabila nito ang totoo, wala rin naman kasi talaga akong masabi. Natuldukan mo na ang lahat, ano pang maidaragdag ko?
Ito na ang simula ng habambuhay kong pagbuntung-hininga. Oo, alam ko dahil wala namang magagawa ang pagbabrat. Natuldukan mo na ang lahat, ano pang maidaragdag ko?
Ito na ang simula ng habambuhay kong pagtanaw sa'yo sa malayo nang hawak ang iyong kamay habang kumakanta pa rin ng With or Without You ng U2. Natuldukan mo na ang lahat, ano pang maidaragdag ko?
Ngingitian na lang siguro kita.
Paano'y natuldukan mo na ang lahat, ano pang maidaragdag ko?
0 Comments:
Post a Comment
<< Home