Libog lang.

Lifetime supply ng chocolate. Kakarag-karag na pick-up truck. Fish pond pero panay lotus lang ang laman. Canary yellow na nail polish. Hot pink na bag. Hot red lipstick. Pang-prinsesang kama. Malalim na dimples. Mahabang pilik-mata. Cotton candy machine. Pinakamalambot na bubble gum. Waist-length na buhok. Guts. Guts. Guts. Drive. Drive. Drive. Improved psychic skills. Patience. Patience. Patience. Filmmaker-ness. Videocam (ko! Ibalik mo!). Dating itsura ng legs ko. Sariling vampire (Lalake. Kamukha ni Brad Pitt). Sariling langit na may fireworks. French kiss. Sariling tindahan ng shawarma. Bagong sunglasses. Telescope. Duyan. Beach. Sweet dance. Reglang hindi masakit. Panahon. Gumuguhong buildings. Sariling sorbetes stand (na umaandar. Hehe alam mo na yon) Amoy ng pabango ng karelasyon ko. Panaginip. Improved stalking skills. Banana shake. Mga eroplanong papel. More harutan time with DJ. 4 -hour telephone conversation. Videoke machine. Mas maraming masarap na inuman. Pagkamanhid ng konti. Ang soulmate kong maong na pantalon. Sariling Anchors Away. Lifetime supply ng jokes (kahit korni). Brandon Boyd. Sariling version ng eskapismo. Compilation ng mga kadramahan ko. Mas mahabang gabi at mas hubad na buwan.



*


Dapat pa rin ba akong kutyain kahit na sabihin ko pang ginusto ko naman talaga ang pagpuputang ito? Pera lang ba talaga ang pwedeng ibayad sa mga putang tulad ko at matatawag ka nga lang ba talagang puta kapag binayaran ka ng pera (watif bigas? load? isang orgasmic na usapan tungkol sa mga eksistensyal na usapin? Apir.)?
Well, Putang-ama na lang sa lahat ng nagsasabing hindi sila puta.



*


At dahil minsan lang sumapit ang bagong taon, eto ang sariling version ko ng listahan ng mga sariling kalanadian.


Ilang mga bagay na natuklasan ko at napatunayan sa sarili ko ngayong taong 'to:

Matakaw pala talaga 'ko (In all aspects.)
Matapang naman pala talaga 'ko.
Maangas pala talaga 'ko.
Malibog pala talaga 'ko (In all aspects din. Whatever that in-all-aspects means.)
Brat pala 'ko. (at brat pala ang tawag sa ganun?)
Sadista pa rin ako.
Tanga pa rin ako. Tanga pala talaga 'ko (At hopeless level na).
Puta pa rin ako.
Padalus-dalos pala 'ko (Kaya palaging nadadapa eh).
Ampanget ko palang malasing. Sumisigaw.
Palagi ko palang naiisip na iiwanan ako. (As in always and poreber. Ever since.)
Lamig (As in da weather) pala ang isang bagay na pinaka-hindi ko kayang kalabanin.
Possessive at obsessive pala 'ko (Neurotic, in short).
Malupet pala akong sumugal. Lahat-lahat. Hanggang sa huli.
Galit pala 'ko (In general).
Pwede naman pala 'kong hindi maging ma-pride.
Hindi pala ako maarte. Hindi ko lang talaga kayang (at kung minsan, ayoko lang talagang) i-stretch ang mga limitasyon ko paminsan-minsan.
Takot pala ako sa seryosong pakikipaglandian.
Mahilig din pala ako sa ice-cream at hindi lang sa crushed ice, ice cubes (and the like).
'Kailangan' ko palang yumaman. 'Kailangan.'
Undeserving pala 'ko sa maraming bagay at tao.
Mahirap pala talaga akong pasayahin 'pag dating sa mga materyal na bagay.
Hindi pala lahat ng problema sinosolusyunan ko. (Well... )
Kaya ko palang magsuot ng pulang damit.
Gusto ko palang magkaanak ng alitaptap.
Ayoko pala ng course ko. (Patay na.)
Suicidal pa rin ako pero takot pala talaga akong mamatay. (At matakot ka kung hindi na. Ibig sabihin may mali at hindi na ako yun.)
Gusto ko pala ang feeling ng naha-high. (Afraid.)
Takot pala 'ko. Takot na takot.
Mas TAO pala ako 'pag bitter. Mas AKO pala ako 'pag bitter.
Hindi ko pa rin pala natatanggap na sa mundong akong ito nakatira. (Kailan ba kasi babalik ang spaceship namin?)
Magaling pala 'ko 'pag dating sa balahuraan.
Geek pala talaga 'ko (According sa depinisyon ko ng pagiging geek).
Diyosa nga talaga 'ko (Ang umangal gagawin kong bulateng nasa gitna ng kalsada!).
Hindi ko pala talaga mahal ang sarili ko (At hindi ito isang sarcasm)
Sinungaling pala talaga 'ko pero kaya ko rin palang maging honest.



*


Isang malibog na bagong taon sa lahat.
(Pagkatapos ng isang mainit na pasko)

0 Comments:

Post a Comment

<< Home







Photobucket - Video and Image Hosting



Photobucket - Video and Image Hosting
Photobucket - Video and Image Hosting
Bayan
Bulatlat
League of Filipino Students
Phil. Blog Carnival
Philippine Collegian
Piercing Pens
Pinoy Blog
Pinoy Weekly
Post Secrets
Purebeef
Sinewaya
Southern Tagalog Exposure
Young Blood
Young Radicals
Photobucket - Video and Image Hosting