Dalawang bagay lang naman kasi 'yan: wala akong sasabihin o marami talaga akong sasabihin.
Mga ilang araw ko na ring pinagmumunihan at sinasang-ayunan ang sinabi ng isang kasama at kaibigan noong kasagsagan ng unang primaryang unos ng buhay ko: "Minsan kailangan talaga ang mga eksternal na kondisyon para maitulak ang internal na pagpapasya" (- or something like that. Hehe)
Kung susuriin kasi ang takbo ng buhay ko (at malamang ng kahit na sino) ay tama naman. Tama naman talaga siya. Minsan kailangan talaga ng konting tulak para maihakbang mo ang paa mo - kahit isang paa man lang muna. Dahil kung hindi siguro, marahil mananatili ka na lang na nakatindig at nag-iisip, natatakot, tinatamad, nagbabrat o naghihintay. At hindi lang basta humahakbang ka, naglalakad o tumatakbo, tumatambling kung hindi ginagawa mo ang mga bagay na ito ng may bagong perspektibo at mulat sa mga bagong kaalaman at katotohanang natutunan mo. Kaya nga malaki talaga ang dapat kong ipagpasalamat sa lahat ng mga "tumutulak" at mga "pagtutulak" (pagtutulak ng? Haha) na naganap at nagaganap sa buhay ko.

Salamat sa pagtulong sa aking paglago bilang tao.
*
Napapangiti ako sa tuwing naiisip ko ang isa na namang (malaking) pagbabagong kasalukuyan pa ring nagaganap sa akin: unti-unti nang nawawala ang takot ko sa mga bagay na dati kong lubhang kinatatakutan. Alam kong ang isang malaking salik sa pagbabagong ito ay ang mga bago kong natuklasan sa sarili ko. Ngayo'y alam ko na kung paano ko haharapin ang mga pinakamalulupit kong kaaway - ang mga kaaway sa loob ko, ang mga kaaway na ako mismo ang may likha (hmmm...ayan ha, binabaka ko na ang pagiging self-indulgent ko - emotionally! hehe)
*
Yes, parallel lines intersect from a distance even if merely as an illusion.
At least they never leave each other.
Maybe that would be enough, even more than enough.
Thank you for not giving up whenever I do.
You know that what I really want is to stay with you.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home