Happy Birthday to me.

Walang perpektong kaligayahan gaya nang walang perpektong tao at pagkakataon na hindi nagbabago ang batayan sa kahit anumang panahon.

Ang matabang ngayon ay maaaring maging matamis bukas; ang matamis ngayon ay maaaring maging matabang naman. Ngunit ang mga pagbabagong ito ang isa sa mga dahilan kung bakit tayo nabubuhay. Narito tayo upang makita ang kagandahan at kabutihan sa bawat bagay, pagkakaiba, pagkakapareho, pagbabago, pagkawasak, pagkabuhay. Sa mga pagkakahati-hati at pagkakahiwalay tayo ay nabubuo; sa mga tunggalian tayo ay lumalago.


*

Tama na.

Ititigil ko na 'to. Overdue na masyado.


Tama na ang insecurities. Tama na ang pagka-lost. Tama na ang pagdadalawang - isip sa halos lahat ng bagay. Tama na ang paglayo upang umiwas sa sakit. Tama na ang katamaran. Tama na ang pagpapanggap na okey lang sa ako sa tuwing hindi naman talaga. Tama na ang pagpapaalipin sa pride. Tama na ang pagra-rant at pagiging ungrateful.


May natitira pa 'kong panahon.
Maraming nakataya.

1 Comments:

Blogger The Guy in Red Sneakers said...

okaaay.

seryoso, birthday mo..?

ako rin. tama na. good luck sa iyo. good luck sa akin.

*ngiti.

8:52 AM  

Post a Comment

<< Home







Photobucket - Video and Image Hosting



Photobucket - Video and Image Hosting
Photobucket - Video and Image Hosting
Bayan
Bulatlat
League of Filipino Students
Phil. Blog Carnival
Philippine Collegian
Piercing Pens
Pinoy Blog
Pinoy Weekly
Post Secrets
Purebeef
Sinewaya
Southern Tagalog Exposure
Young Blood
Young Radicals
Photobucket - Video and Image Hosting