Mapupulang alaala.
Kung hanggang saan,
Kung hanggang kailan,
Magbago man,
Mabura man
Ang mga pangalan
Hindi ko alam, Oh
Basta't hindi ko alam
Hindi ko alam
Kung hanggang saan
Kung hanggang kailan,
(Kahit hanggang saan,
Kahit hanggang kailan)
Ako dadalhin nitong aking
Walang kapaguran.
(Mula sa isa kong tula: Hanggang Saan, Hanggang Kailan isinulat isang araw sa buwan ng Oktubre 2006)
*
Hay nako, iyan din ang ikamamatay niya.
At least mamamatay siya sa sarili niyang mga kamay.
At least mamamatay siya sa kadahilanang nabuhay siya sa paraang gusto niya.
At least mamamatay siya para mabuhay.
At least mamamatay siyang ginagawa ang isang bagay na pinakamamahal niya.
Mamamatay siyang masaya.
*
Hindi ko lang talaga mapigilan.
Minsan nagtataksil ako. Pero mahal kita.
*
Naglalaway ako sa lahat ng mapupula. Maiinit. Maaanghang. Matatapang.
Aba, dapat lang.
*
Ito ang isa sa mga panahong wala akong ibang hinihiling. Ito ang isa sa mga panahong hinihintay ko lang ang sabihin sa akin kung ano na ba ang halaga ko at kung nasaan na ba ako.
*
Gusto kong pakulayan ng pula ang buhok ko.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home