Symbolic violence.

Nadagdagan na naman ang nanay ko.

Dati rati, dalawa lang ang nanay ko - si Mama at si Nanay. Ngayon nga tatlo na sila. Kaso hindi ko alam kung ano ang itatawag ko sa pangatlo kong nanay. Basta ang alam ko lang nagmamano ako sa kanya at nagpo-po at opo.

Ang alam ko lang din, pinagluluto niya ko ng almusal tuwing alas singko y media. Nilalabhan niya rin ang mga damit ko at hindi siya natutulog kapag wala pa 'ko. Gabi-gabi siyang puyat dahil gabi-gabi eh gabing-gabi na 'ko kung umuwi. Pero palagi pa rin niya akong sinasalubong ng ngiti at ako naman, sorry ang isinusukli ko sa kanya.

Kinakamusta niya rin ako palagi, kung pagod daw ba ako, kung okey lang daw ba ako. Kumain daw ako ng marami para tumaba naman ako.

Inaalagaan din niya si DJ, ang bunso kong kapatid. Nakikipaglaro siya dun, sinasamahan niyang manood ng TV. Kinakarga niya kahit mabigat yun at kahit medyo may kahinaan na rin ang katawan niya.

Kahit hindi talaga kami magkakilala, pakiramdam ko mahal niya ko, mahal niya kami. Siguro nga mahal niya kami.

Nadagdagan na naman ang nanay ko

at ilang buwan na lang mula ngayon ay aalis naman ang isa sa mga nanay ko. Paano'y pupunta na si Mama sa Switzerland kung saan naroon si Papa para magcare-giver.


Magiging nanay naman siya ng ibang tao.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home







Photobucket - Video and Image Hosting



Photobucket - Video and Image Hosting
Photobucket - Video and Image Hosting
Bayan
Bulatlat
League of Filipino Students
Phil. Blog Carnival
Philippine Collegian
Piercing Pens
Pinoy Blog
Pinoy Weekly
Post Secrets
Purebeef
Sinewaya
Southern Tagalog Exposure
Young Blood
Young Radicals
Photobucket - Video and Image Hosting