Una't paulit-ulit na gabi.
Dito kung saan pareho tayong maligaya, magkarugtong ngunit malaya pa rin. Malaya nating natatanaw ang pagitan sa ating dalawa. Malaya pa rin tayong nabibighani sa pagkakaiba at pagkakapareho natin.
Dito kung saan hindi kita hawak ngunit sapat na sa aking naaabot pa rin kita ng paningin. Hindi naman masyadong maluwag ang langit para sa dalawang bituwin.
*
Maraming gustong sabihin ang puso ko, kung hindi man ang mga labi ko. Subalit hindi magawang pakilusin nito ko ang mga labi ko maging ang mga daliri ko upang maipahayag man lamang kahit dito sa blangkong papel kahit kaunti sa nais kong sabihin.
Ang alam ko lang, paulit-ulit kong kinakaya ang lamig ng gabi at ang walang-katiyakan nito at ng lahat ng bagay na sumasaklaw sa atin kapag kasama kita.
Ngayong gabi ko nalaman kung bakit nga ba,
Kung bakit nga ba
Hindi ako napapagod; hindi ako sumusuko
Hindi ko man malaman kung bakit nga ba,
Kung bakit nga ba
Kung bakit nga ba mahal kita.
*
Gusto kong malaman mo at ng lahat-lahat ng makakaalam nito na hinding-hindi ko ipagpapalit ang maikling sandaling 'yun na natulog ako at gumising na ikaw ang katabi ko at kayakap. Nagpapasalamat ako dahil sa wakas, nakasama kita maging sa pagitan ng aking paggising at pangangarap.
*
Mahal mo nga ako.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home